Bata pinaiyak si Orcollo sa World 8-ball

PATULOY na nagpamalas ng kanyang bagsik si Efren “Bata” Reyes sa World 8-Ball Championship sa Fujairah Exhibition Center sa Fujairah United Arab Emirates.

Kamakalawa, dinurog ng double world champion ang kapwa niya Pinoy na si Dennis Orcullo, 7-5.

Kaya naman, nangunguna na siya sa lakas ng mga Pinoy sa winner’s side sa first ranking event na isinusulong ng World Pool-Billiard Association.

Kasama naman sa nagpapakitang gilas ang iba pang unbeaten Filipino players na sina Antonio Lining, double world champion Ronnie Alcano, dating World Ten Ball runner-up Lee Van Corteza, ex-World 9-Ball runner-up Roberto Gomez at Rodolfo Luat. GP/ED

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply