Batang AFP Chief susungkitin ni PNoy

MAS bata at magtatagal sa puwesto ang pipiliin ng board ng pinagsanib na puwersa nina Pangulong Benigno Aquino III bilang commander-in-chief at Department of National Defense para ipalit kay AFP chief of staff Lt. Gen. Ricardo David Jr. na nakatakdang magretiro sa Marso 5, 2011.

Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa na kinokonsidera ng board na magtatagal sa posisyon ang susunod na AFP chief of staff.

“Ayaw po niyang (Pangulong Aquino) na maging revolving door ang ating AFP,” ayon  kay Ochoa.

Nakasanayan na sa nakaraan na maikli ang paninilbihan ng mga chiefs of staff kaya walang masyadong naipatupad na reporma.

Sa ngayon ay nagsimula ng mag-interview si PNoy ng ilang mga kandidato na pipiliing ipalit kay Lt. Gen. David.

Binigyang diin ni Ochoa na ang isang may edad na chief of staff ay naghahanda na ng kanyang pagreretiro bago pa makapagkasa ng isang reporma sa kanyang pinamumunan. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply