Batas Mauricio hinatulan ng 4-6 buwan kulong

HINATULAN ng Quezon City court ng apat hanggang anim na buwang pagkakakulong ang abugado at mamamahayag sa kasong extortion dahil sa pagbabantang ilathala ang isang defamatory  articles tungkol sa uod na natagpuan sa lata  ng isang liver spread noong 2004, kapalit ng paglalagay ng advertisements sa sarili nitong pahayagan at radio program, Huwebes, Pebrero 3.

Sa 5-pahinang desisyon, inatasan ni Judge Manuel Sta. Cruz ng  Metropolitan Trial Court Branch 43 si Atty. Melanio “Batas” Mauricio Jr. na makulong ng apat hanggang anim na buwan at magbayad ng multang P2,000.

Hinatulan si Mauricio dahil sa paglabag sa Article 356 ng Revised Penal Code.

Sa kabila ng oportunidad na ibinigay sa kanya, pumalya si Mauricio na magpresinta ng depensa sa korte.

Dahil matapos umanong magpasok ng not guilty plea noong Pebrero 9, 2009 ay hindi na nagbigay ang mambabatas ng kanyang depensa sa korte.

Ang kaso ay base sa reklamo ng Foodsphere Inc., manufacturer ng CDO Liver Spread.

Sa talaan ng korte, lumabas na ginamit ni Mauricio ang kanyang radio program sa DZBB at sa kanyang kolum sa Bagong Tiktik at Balitang Patas Batas ang paglabas ng artikulo  laban sa naturang  food company, matapos tumanggi ang kumpanya na ibigay ang kanyang kahilingan.

Ayon sa alegasyon ni Mauricio, ang produkto ng CDO Liver Spread ay may nakitang uod sa loob ng lata.

Ang alegasyon ay base sa reklamong isinampa sa Bureau of Food and Drug Administration noong Hulyo 2004. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply