Batas vs illegal mining isinulong sa Kamara

NANAWAGAN kahapon si Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado, mula sa unang distrito ng Bulacan ng seryosong pagkilos at pagsususog sa batas para masawata ang iligal na pagmimina sa Bulacan maging sa buong bansa.

Sa kanyang talumpati sa sesyon ng Kamara, binanggit niya ang mga dahilan at paraan para maituwid ang kapabayaan sa kalikasan dulot ng kakulangan sa koordinasyon ng pamahalaang nasyunal at lokal partikular na sa pagpapatupad ng mga batas at alituntunin sa pagmimina.

Pangunahin niyang tinukoy ang Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995, na nagbibigay ng Kapangyarihan sa nasyunal na pamahalaan na pangasiwaan ang mga yamang mineral ng bansa.

Gayundin, ipinaalam niya na mula nang ipatupad ang Mining Act, maraming tao na ang nagbuwis ng buhay dahil sa awayan sa minahan.

Nanganganib din na tuluyang masira ang makasaysayang Biak-na-Bato dahil sa iligal na quarry at minahan sa Dona Remedios Trinidad at mga kalapit-bayan.

Dahil dito, tinukoy niya ang limang mahahalagang hakbang na dapat isakatuparan upang maisulong ang responsableng pagmimina sa bansa.

Kabilang dito ang pagbibigay ng maigting na kapangyarihan at pagkilala sa mga pamahalaang lokal, pagtataguyod sa kapakanan at kaligtasan ng mga apektadong katutubo sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad sa Free and Prior Consent, pantay at transparent na paghahatian ng mga benepisyo sa pagitan ng nasyunal at lokal na pamahalaan,  pagsususog sa batas sa pagmimina, gaya ng paglalalaan ng environmental safety nets sa mga apektadong komunidad  at  pagsuporta sa kalakaran na ang yamang mineral ay dapat iproseso kung saan ito nakuha. Jun Acot


Leave a Reply

*
Oo nga....cease fire muna. Yang utang, di mawaw...
That is what you call practical and smart. May ib...
VIERNES SANTO NA ano ba! Next week na lang nyo ip...
WHEN I WAS IN THE PHILIPPINES A FEW MONTHS BACK, I...
SAME WITH ANGEL AND LUIS. GIMIK, NO SWEETNESS. LUI...
HAHAHAHA.....KOREK KA JAN..CHOC..PULOS PURITA ANG ...
Yun ba itsura ni Bob Arum dapat pagkatiwalaan..Obl...
kadalasan hawak ng mga pulis yan snatcher kaya nga...
Masyadong mayabang talaga itong ABS CBN at ang mga...
Wag mabahala e wala ngang vaccine para dyan???...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.