Batas vs plea bargain agreement isinulong

ISINUSULONG na ng Department of Justice (DOJ) ang batas na hindi sumasang-ayon sa plea bargaining agreement sa mga kasong plunder matapos ang kuwestiyunableng agreement na pinasok ng Office of the Ombudsman kay dating military comptroller General Carlos Garcia.

Sa nasabing agreement, pinayagan si Garcia na ibalik sa gobyerno ang P135 milyon na hinihinalang ill-gotten wealth kapalit ng pag-plead nito ng guilty sa mas mababang kaso sa halip na plunder na may kaparusahang life imprisonment.

Kabilang umano sa proposals na ibinigay ni Justice Secretary Leila de Lima sa Kongreso ay ang mga sumusunod: pagbibigay ng malinaw na dipinisyon kung sino ang offended party, hindi pagpayag na pumasok sa plea bargaining agreement sa plunder cases at maaari lamang payagan ang Plea bargaining agreement sa bago pa lamang magpresenta ng  mga ebidensya, matapos hindi na maaari pang payagang ang plea bargaining agreement.

Paliwanag ni De Lima sa ilalim ng Rules of Court, ang isa sa requirments sa plea bargaining agreement ay kinakailangang pumayag ang offended party at ang prosecutors.

Lumalabas umano sa mga hearing na ang Ombudsman at ang prosecutors ang nagbigay pahintulot at wala nang iba subalit malinaw naman sa alituntunin na nakasaad na offended party at prosecution, kung saan ang tinutukoy na offended party ng Kalihim ay ang gobyerno partikular na ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Idinagdag pa ni De Lima na kung ipagbabawal ang plea bargain sa plunder case ay maiiwasan din ang iba pang public officials na gumawa ng pandaraya laban sa gobyerno.

Mayroon naman umanong batas na nagbabawal sa plea bargaining agreement tulad ng paglabag sa  Comprehensive Dangerous Drugs Law at kung pinapayagan ito sa drugs cases bakit hindi umano sa plunder na maituturing na isang mataas na krimen.

Iginiit ni De Lima na isa lamang itong paraan upang hindi na maulit pa ang kahalintulad na pangyayari sa mga susunod na araw.

Si Garcia ay nakalaya matapos na makapagpiyansa ng P60,000 o P30,000 kada isang bilang  sa kaso nitong direct bribery at paglabag sa Anti-Money Laundering Law.

Nauna na ring inakusahan si Garcia ng umano’y paglaspag ng P302 milyon habang aktibo pa sa serbisyo sa militar. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply