Batch 13 ng OFWs mula Libya dumating na

DUMATING na sa bansa ang ika-13 batch ng overseas Filipino workers (OFWs)  mula Libya kanina, Pebrero 27.

Dakong 3:10 ng hapon nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang panibagong batch ng OFws galing Libya.

Ang 38 OFWs ay dumating sa NAIA lulan ng Gulf Air.

Ito na ang ika-13 grupo ng Pinoy workers na umuwi ng Pilipinas matapos ipag-utos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang voluntary repatration ng mga kababayan na naiipit sa tensyon sa nabanggit na bansa.

Kanina pasado alas 10 ng umaga nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang nasa 51 OFW sakay ng Gulf Flight 154.

Umaabot na sa mahigit 1, 300 Pinoy ang nakalikas na mula sa kaguluhan sa Libya. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply