Batugang RP athletes sisibakin

HINDI mangingimi ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) na sibakin ang mga batugang miyembro ng national team na lalahok sa Southeast Asian Games (SEAG).

Ayon sa mga sources, ayaw nang maulit ng PSC at POC ang nangyari kay Pinay boxer Annie Albania na napatalsik sa grupo dahil naman sa kawalan ng kooperasyon sa kanyang mga coaches at opisyal.

Nabuo na rin ang SEAG task force na may mga kinatawan sa iba’t ibang sports disciplines para bantayan ang preparasyon ng mga atleta sa SEA Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Nabatid na kabilang sa mga miyembro ng SEA Games Task Force sina POC vice president Manny Lopez, POC board member Jeff Tamayo, deputy secretary general Mark Joseph, at commissioner Akiko Thomson-Guevara ng PSC.

Nakipagpulong muna ang grupo sa mga opisyal ng POC kasama sina chiefs of mission PSC commissioner Chito Loyzaga at canoe kayak president Dr. Sim Chi Tat.

Ayon sa sources, si Lopez ay naitalaga sa boxing, badminton, billiards, rowing, sailing, dragon boat, water skiing, fencing, canoeing at weightlifting habang magbabantay naman si Tamayo sa hanay ng taekwondo, karate, judo, pencak silat, shooting, wushu, wall climbing, soft tennis, tennis, wrestling at sepak takraw.

Si Joseph ay nasa hanay naman ng aquatics (swimming, diving, waterpolo, open water swimming), archery, equestrian, fin swimming, gymnastics, softball at table tennis at si Thomson-Guevara ay sa basketball, baseball, bowling, football, futsal, golf, petanque, volleyball, athletics at chess. Gilbert Perdez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply