Bebot na nag-suicide sa motel, selos sa biyenan ang dahilan

PAGSESELOS sa pamilya ng kinakasama ang sinasabing dahilan ng pagpapatiwakal ng isang babae sa isang motel nitong Lunes ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

“Bok, mahal kita ang lahat ginawa ko para lang sayo, bakit mas malapit ka sa pamilya mo kaysa sa asawa mo na, kaya ako nag-iinom araw-araw kasi dahil din sa iyo, kasi mas mahalaga ang mga magulang mo kaysa sa asawa mo, kaya ko naman  nagawa  to dahil sa’yo Bhe, kasi mahal kita”.

Ito ang nakasulat sa iniwang suicide note ng biktimang si Mary Jane Sahi, 27, tubong Mindanao at residente ng 14 Silver Star Inn, Batangas st., Sta. Cruz, Maynila sa kanyang  ka-live in na si Philip Palmes, alyas “Bok-bok,” driver at residente ng 2420 Kalimbas st., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section, labis na pagseselos sa kanyang biyenan ang nag-udyok sa biktima na magpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner  sa loob ng tinuluyang motel dakong ala-una ng hapon nitong Lunes.

Bago maganap ang pagpapakamatay ng biktima ay nagkasundo umano si Sahi at Palmes na maghiwalay na at umuwi na lamang sa Mindanao ang una.

Lingid sa kaalaman ni Palmes ay sa motel tumuloy ang biktima kung saan isinagawa ang pagpapatiwakal.

Hiniling pa ng biktima kay Palmes na sana ay mailibing siya nang maayos. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply