Bebot na supplier ng shabu arestado sa drug-bust operation sa Pasig

WALONG sachet ng shabu at timbangan ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents nang salakayin ang isang apartment sa 320-A Dr. Sixto, Antonio st. Brgy. Kanyugan, Pasig,  Miyerkules, 11 ng umaga.

Arestado ang suspek na kinilalang si Allen Cruz, nakatakdang imbestigahan sa himpilan ng pulisya.

Ang pagsalakay ay isinagawa ng PDEA-Metro Manila Regional Office sa pangunguna ni Director III Wilkins Villanueva.

Sinalakay ang lugar matapos makatanggap ng report ang pulisya hinggil sa talamak na bentahan ng shabu. Photo and story by Jun Mestica

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply