Bebot naburyong, nagbigti

NAGBIGTI ang 31-anyos na babae na umano’y hindi na makayanan ang problema sa buhay sa Quezon City, Sabado ng umaga, Pebrero 5.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 3-Talipapa, natagpuan ang bangkay ng biktimang kinilalang si Rosaly Pacifico ganap na ika-10 ng umaga sa kanilang bahay sa 127 Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Quezon City

Sinabi ni PO3 Elen Banguel, radio operator ng QCPD station 3, na nagbigti ang biktima gamit ang cable wire  na itinali sa kanyang leeg at ikinabit sa kisame ng bahay.

Hinihinala ng pulisya na dahil sa matinding problema kaya nagawang magpatiwakal ng biktima. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply