Bebot natagpuang patay na sa hotel

HINIHINALANG nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng nakalalasong kemikal ang isang hindi pa nakikilalang biktimang natagpuang nakadapa at wala nang buhay sa silid ng isang hotel  sa Sta.Cruz, Maynila Lunes ng tanghali, Pebrero 21.

Nakilala lamang sa pangalang “Jean” ang biktima, nasa edad na mula 20 hanggang 25 anyos; nakasuot ng kulay pink na damit at pulang short; maitim ang kulay ng balat at katamtaman ang pangangatawan.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 12:30 ng tanghali nang makitang nakadapa sa kama at wala nang buhay ang biktima sa Room 14 ng Silver Star Hotel sa panulukan ng Rizal ave.  at Batangas St.

Nabatid sa management ng hotel na nag-check in mag-isa ang biktima noong Sabado dakong 11:50 ng tanghali.

Kamakalawa ng tanghali, lumabas ito ng hotel upang kumain at nagbayad pa ng unang pagkakapasok nito sa hotel ng halagang P400.

Kahapon ng tanghali, nagduda ang room boy ng hotel sa hindi paglabas ng biktima sa kanyang kwarto para kumain.

Nang  kinatok nila ang pinto ay walang nagreresponde. Nagpasya ang pamunuan ng hotel na buksan ang kwarto sa pamamagitan duplicate key.

Nang mabuksan ang pinto ay tumambad sa kanila ang wala nang buhay na biktima.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang babae nang matagpuan ito.

Bukod sa tatlong bote ng Red Horse na nakita sa mesa ng nasabing silid, isang suicide note ang nakita sa tabi ng bangkay na nagsasaad ng  “kahit wala na ako, mamahalin pa rin kita.”

Ang bangkay ay inawtopsiya sa St.Ivan Funeral  morgue, habang patuloy itong iniimbestigahan para mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply