Bianca Manalo insecure kay Venus Raj?

PANAY ang pasasalamat ni Bianca Manalo sa nalalapit na ending ng matagumpay niyang TV series na “Juanita Banana.”

Pakiusap lang niya, tantanan na ang isyung nai-insecure siya sa kapwa beauty queen at Kapamilya na si Venus Raj.

“Kumikita kami sa ABS, wala, dedma. Dedma kami sa isyu,” aniya.

Bilib naman si Bianca sa lakas ng loob ng 40 candidates na natira sa Binibining Pilipinas 2011 elimination round mula sa original 109 na sumali.

Sa bikini showdown, nakaw-eksena si candidate number one Jeanette Noguchi na rumampang nakasaklay dahil sa sprain na natamo niya kamakailan sa pagkadulas sa banyo sa kanilang bahay.

Standout din ang architect na si Shamcey Supsup, ang TV host mula Dagupan na si Arabel Hanesh; ang beauty titlist na si Diane Necio, ang Fil-Am beauty na si Krystle Grant mula San Francisco.

Sa gitna ng kasiyahan, may mga luhaan din dahil hindi sila nakapasok sa top 40.

Inspirasyon naman sa kanila ang dating pag-ibig ni Polo Ravales na si Bianca Paz na repeater sa patimpalak.

Sa huli, hindi lang pinakamaganda ang magwawagi. Mahalaga din ang dunong at tibay ng loob. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply