Bigo sa pag-ibig, walang trabaho nagbigti

BUKOD sa kawalan ng trabaho at pagkabigo sa pag-ibig ang nagtulak sa isang dalagita para magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti sa  Quezon City, Linggo ng umaga, Pebero 6.

Wala nang buhay nang madatnan ng pulisya ang biktima na si Rosaly Pacifico,  ng 127 Sitio Militar, Bgy. Bahay Toro, Quezon City, nakabitin pa sa kisame gamit ang alambre.

Sa  report ng Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 10 ng umaga sa kanilang bahay sa 127 Sitio Militar, Bgy. Bahay Toro.

Napag–alaman sa imbestigasyon na hindi na rin nakayanan ng biktima ang problema sa pag-ibig kaya nagpakamatay ang biktima.

Gayunpaman, isasailalim ng pulisya sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para matiyak na walang naganap na foul- play sa insidente. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply