Bike patrol ilulunsad sa San Mateo

RIZAL—Para tuluyang palakasin ang kampanya laban sa kriminalidad ay ilulunsad ng San Mateo PNP ang Bike Patrol sa Lunes, Pebero 21.

Sinabi ni San Mateo chief of Police P/Supt. Carlito Briones na layunin ng programa ang mabilis na responde ng kapulisan lalo na sa masisikip na lugar.

Nabatid na ang nasabing programa ay suportado ng kanilang alkalde na si Mayor Paeng Diaz na katuwang para sa pagpapasinaya  kasabay ng flag ceremony.

Sinabi pa ni Supt. Briones na maliban sa  mabilis na pagresponde ay makakatulong din sa mga kapulisan para sa kanilang physical fitness.

Nabatid na magsisimula ang proyekto sa apat na biseklita at tiniyak na madaragdagan pa matapos mangako ang alkalde na full support sa programa.

Kasabay nito ay mamahagi rin ng imported na gun holster sa 74 na kapulisan sina mayor Diaz at Supt. Briones mula sa isang kaibigan ng San Mateo Police na nakabase sa San Francisco, USA.

Ang nasabing  holster ay may tatak na “Safari” na ayon kay Supt. Briones ay magandang klase at pawang mamahalin. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply