Biktima ng salvage itinapon sa likod ng National Museum

SINAKAL muna bago ibinalot ng packaging tape ang buong mukha at paa at inilagay sa garbage plastic ang isang lalaking hinihinalang kasapi ng Commando Gang nang matagpuan ito sa likod ng National Museum sa Ermita, Maynila, Biyernes ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 25-30 taon, may taas na limang talampakan, maiksi ang buhok, kayumanggi, nakasuot ng puting t-shirt na may nakasulat na “Stronghold Insurance” sa likod at camouflage na short pants.

Sa report ni SPO2 Benito Cabatbat, dakong 7:10 ng umaga nang itawag sa pulisya ang isang plastic bag na may lamang bangkay at itinapon sa likuran ng National Museum sa kahabaan ng Taft ave. at malapit sa Finance st.

Nabatid na ilang miyembro ng Leonel Waste Management umano ang nakadiskubre sa biktima habang nangongolekta ng basura.

Inakala umano nila na basura lamang ang laman ng itim na garbage plastic bag, subalit nang kanila itong buksan dahil sa sobrang bigat ay tumambad sa kanila ang bangkay ng isang lalaki na nakabalot ng packaging tape.

Agad nilang ipinagbigay-alam kay Reynaldo Colufano, isang MMDA traffic enforcer na noo’y nagsasaayos ng daloy ng trapiko sa Taft ave., na siya namang nagreport sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa mga imbestigador, posible umanong pinahirapan muna ang biktima bago ito binalutan ng packaging tape sa mukha at paa at isinilid sa plastic bag.

Dinala ang bangkay sa St. Harold Funeral Homes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply