Bilang ng walang trabaho nakaka-alarma na

UMABOT na sa 2.83 milyon ang Pilipinong walang trabaho samantalang 6.76 milyon ang underemployed, batay sa datos nang taong 2010 ayon sa National Statistics Office (NSO).

Dahil dito ay umapela na ang mga kongresista kay Pangulong Aquino.

Ayon sa mga mambabatas ay dapat nang agapan ang pagpapatupad sa mga programang magbibigay ng solusyon sa unemployment problem ng bansa.

Sa ulat naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagsabing may 34,000 kompanya at pagawaan ang nagsara mula sa taong 1995 hanggang 2010 na nakaapekto ng malaki sa may 881,000 manggagawa.

Hinggil dito, nangamba si Anakpawis Rep. Rafael Mariano dahil sa kawalan ng malinaw na programa at pagkilos ng administrasyong Aquino upang solusyonan ang tumatas na dami ng mga Pinoy na walang trabaho.

“The increasing number of jobless Filipinos is but natural because the present administration does not have a specific policy that will protect the agriculture and local industry,” sinabi ni Mariano.

Panawagan din ni Mariano sa administrasyon na protektahan ang local industry laban sa talamak na smuggling, global competition at trade liberalization policy, na maaaring makalutas sa unemployment problem sa bansa.

Samantala, nagbabala naman si Akbayan Rep. Walden Bello sa administrasyon na seryosohin ang isyu ng unemployment ng milyong Pilipino dahil posibleng magresulta ito sa kaguluhan.

“I think the Aquino government should take the NSO report seriously, because if they just keep on relying on high-growth statistics they might not be paying attention to the fact that the number of jobless is growing,” giit pa ni  Bello.  Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply