Binata arestado sa pagnanakaw

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos salisihan ang kinainang mamihan sa Malabon City, Martes ng madaling-araw, Pebrero 8.

Kinilala ang suspek na si Billy Jean Santiago, 23, ng Mallari st., nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 5 ng madaling-araw, umorder ng mami ang suspek sa tinderong si Michael Gruyal sa General Luna st., San Agustin.

Nang makain ay itlog naman ang inorder ng suspek at pagtalikod ni Gruyal ay dinukwang ni Santiago ang kahon na pinaglalagyan ng pera saka kinuha ang kitang aabot sa P1,700.

Tinangkang tumakas ng suspek pero nakita siya ni Gruyal dahilan upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Agad namang nasukol ang suspek subalit P200 na lang ang narekober na pera sa kanya. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply