Binata binaril ng pari, sugatan

SUGATAN ang isang binata makaraang barilin ng isang pari sa Danao, Cebu.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng sugat sa dibdib si Mark Robert Cecilio Ymbong, criminology student, ng bayan ng Cordova sa naturang lalawigan.

Nakilala naman ang pari na si Rev. Fr. Jonathan Drano Lao, kura paroko ng Colegio de San Antonio de Padua sa Barangay Guinsay, Poblacion, Danao, Cebu.

Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon, umakyat sa puno ng mangga si Ymbong sa bakuran ng lugar ng pari. Nang makita ito ng huli ay agad pinaputukan ang biktima.

Agad na sinugod sa malapit na ospital ang binata habang sumasailalim naman sa imbestigasyon ang naturang kura paroko. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply