Binata naglasing bgo nagpatiwakal

NAGLASING muna bago nagpatiwakal ang isang 30-anyos na tricycle driver na natagpuang nakabitin sa maliit nitong kuwarto sa  Sta.Ana, Manila Lunes ng hapon, .

Kinilala ang biktimang si  Anthony Mer Parina, binata, ng 1866 Int.9 Augusto Francisco St., Sta.Ana, Manila.

Batay sa ulat  ng Manila Police District=Homicide Section, dakong 3:00 ng hapon nang makitang nakabitin ang biktima sa kanyang kuwarto sa 2nd floor ng bahay.

Isinugod ito sa Sta. Ana Hospital kung saan idineklara itong dead-on-arrival.

Ayon kay mang Antonio, 56 anyos, ama ng biktima, nakipag–inuman umano ang kanyang anak di-kalayuan sa kanilang bahay.

Nang mabalitaan ni mang Antonio na lasing na ang  anak, sinundo niya ito at isinakay niya sa tricycle para maiuwi na sa kanilang bahay.

Muntik pa umano itong mapaaway sa jeepney driver matapos maging sanhi ng trapiko dahil sa pagpulot sa mga baryang nahulog sa kamay nito habang binagbagtas nila ang  Pasig Line.

Pagdating sa kanilang bahay, gusto pa nitong bumalik sa kalsada para abangan ang driver ng jeep na nagmura dito, pero nagawa  pa rin itong maawat.

Napag-alaman din sa ama na nais umanong bawiin ng kanyang anak ang kinakasama na nakipaghiwalay at maaaring isa ito sa dahilan kung bakit nagawang magpakamatay ng anak. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply