Binata niratrat ng rider, dedo

DEAD ON THE SPOT ang 24-anyos na binata makaraang tadtarin ng bala ng naka-motorsiklong lalaki sa isang terminal ng tricycle sa Quezon City, Martes ng gabi, Pebrero 1.

Ang biktima ay kinilalang si Ferdinand Cahigis, ng  020 Saint Mary st., Payatas A, nagtamo ng mga tama ng bala sa likod.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakasuot ng bull cap, itim na jacket sakay ng Sym motorcycle na walang plaka.

Sa ulat ni PO2 J. R. Belgica ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, naganap ang pamamaril sa Campo Patoda Terminal malapit sa panulukan ng Peñafrancia st., Payatas A, 11:40 ng gabi nitong Martes.

Ayon sa saksing si Bryan Astorga, nag-uusap sila ng biktima nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang suspek saka sumigaw ng “dapa.”

Dahil sa akalang maaaring madamay si Astorga, kumaripas siya ng takbo kaya nakaligtas sa pamamaril.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen. James de Jesus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply