Binatilyo basag ang bungo sa trailer truck

BASAG ang bungo ng isang 14 anyos na binatilyo matapos itong masagasaan ng trailer truck Lunes ng hapon sa Tondo,Manila.

Nakilala  ang biktimang si Noel Sanchez,habang sumuko naman ang suspek  na si  Benjamin Garcia,30,ng 122 Hernandez St.,Barrio Magsaysay,Tondo,Manila.

Sa report ni SPO4 Mario Jorge,ng Manila Traffic Bureau dakong ika-3:30 ng hapon ng  Lunes,Pebrero 7,naganap ang insidente sa loob mismo ng Manila International Conatiner Terminal (MITC) sa Pier 2.

Nabatid na minamaneho umano ng suspek ang trailer truck na may plakang UKZ 157 patungong northbound nang hindi nito napansin ang biktima na patawid sa kalsada.

Dahil sa bigat ng minamanehong truck ng suspek ay hindi na umano nito nagawang makaiwas pa sa biktima kaya agad itong nasapol kung saan nagtamo ito ng malaking pinsala sa kanyang ulo.

Hawak na ngayon ng Traffic Bureau ang suspek na kusang sumuko matapos ang insidente habang inihahanda naman ang kasong reckless imprudence resulting to homicide. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply