Binatilyo utas sa grupo ng kabataan

UTAS ang isang binatilyo matapos makursunadahang bugbugin at barilin ng isang grupo ng kabataan sa Caloocan City, iniulat Huwebes, Pebrero 3

Dead on the spot sanhi ng bugbog at tama ng bala sa katawan si John Patrick Pederiane, 17, ng Ligaya st., 7th Avenue, nasabing lungsod.

Nadakip naman sina Armando Joshua, 16 at Erzy, 16, kalugar ng biktima habang nakatakas ang iba pa.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Bobby Mario Egera, dakong 7:30 ng gabi nitong Miyerkules, naglalakad ang biktima sa 6th st., kanto ng 7th avenue ng lungsod nang madaanan ng mga suspek na nag-uumpukan.

Nilapitan umano ng mga suspek ang biktima bago pinagtulungang bugbugin at bago nagsitakas ay isa sa kanila ang bumaril sa binatilyo.

Nadakip sa isinagawang follow-up operation ang dalawa sa suspek, habang pinaghahanap ang iba pa.  Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply