Binatilyong pumatay, gumahasa sa 10-anyos sa Aklan sumuko

ISINUKO ng kaniyang mga magulang ang15-anyos na binatilyo na itinuturong pumaslang at gumahasa sa 10-ayos na bata sa Aklan kasama ang kanyang mga magulang sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa pulisya, inamin ng suspek ang pagpatay sa biktima noong Araw ng mga Puso.

Nabatid mismo sa salaysay ng suspek na itinapon niya ang bangkay sa kakahuyan kung saan natagpuan mismo ng kapatid ng biktima na naaagnas na noong Pebrero 15.

Tinali ang leeg, hinampas ng matigas na bagay sa ulo at saka niya itinapon ng suspek ang katawan ng biktima sa Sitio Tumaewag, Brgy. Logohon, Madalag, Aklan.

Nabatid pa na magkamag-anak ang suspek at biktima.

Ayon sa imbestigasyon, matinding takot ang nagtulak sa suspek kung kaya’t pinatay na lamang niya ang biktima. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply