Binay tinanggihan ng China

TINANGGIHAN ng Chinese government ang planong pagbiyahe ni Vice President Jejomar Binay papuntang China para i-apela sana ang kaso ng tatlong Pinoy na nakatakdang bitayin sa Lunes.

Kahapon ay nagpadala ng note verbale sa Chinese Embassy para magsilbing emisaryo ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Binay at payagang makapunta sa Beijng.

Kanina, Pebrero 17 sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Binay na batay sa mensahe ng Beijing kaninang umaga ay hindi pa napapanahon ang nasabing kahilingan ng Pilipinas.

Ayon kay Binay, kukulitin pa rin nila ang Chinese Embassy at gagawin ang lahat para mailigtas ang buhay ng mga Pinoy.

Naniniwala si Binay na kailangang irespeto ang batas at desisyon ng korte sa China pero hindi pa naman umano sarado ang lahat ng opsyon at pag-asa hangga’t hindi pa nangyayari ang pagbitay.

Pagkatapos ng breifing, dumiretso ang opisyal sa Palasyo para makipag-usap at magbigay ng update sa Pangulong Aquino. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply