BIR: Deadline sa pagbabayad ng buwis ‘di palalawigin

WALA nang palugit na itinakda ang Bureau of Internal Revenue sa deadline ng pagpa-file ng annual income tax returns sa Marso 15, 2011 at ang sinumang mabibigong tumupad sa kanilang tax obligations ay nahaharap sa kasong tax evasions.

Ito ang inihayag kahapon ni BIR Assistant Commissioner Zenny Garcia kaugnay ng paglulunsad ng ‘nationwide tax campaign’ ng Kawanihan ng Rentas Internas.

Mismong si Pangulong Benigno Aquino III umano ang panauhing pandangal sa isasagawang tax campaign ng BIR Large Taxpayers Service upang himukin ang mga negosyante at manggagawa na tumupad sa kanilang tax obligations.

Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Nelson Aspe, na ang tax campaign sa Quezon City, City of Manila, Makati City at Caloocan City ay pangangasiwaan nina Metro Manila Revenue Regional Directors Nestor Valero, Fred Misajon, Manny Mapoy at Tom Rosales para makuha ang target tax goal na P940 bilyon, mas mataas kung ihahambing sa nakaraang taon na P860 bilyon lang.

Itinanghal namang ‘top-collectors’ ngayong taong 2011 sina Revenue District Officers Manding Ducot (Pampanga), Luis Chito Alberto at Dante Aninag (Pasig City), Ed Tolentino (Cubao), Lyno Uy (Marikina), Baby Nacar (QC South),  Jun Casals (San Juan), Pete Fernando at Rose Ragaza (Manila), Raul Recto  at Alvin Galanza (Caloocan) matapos nilang makuha ang kanilang tax goal noong nakaraang taong 2010 at matapos mahigitan ang iniaatang na tax goal para sa buwan ng Enero nitong 2011.

Bagama’t bigo ang BIR sa kanilang P860 bilyong tax goal noong nakaraang 2010 na nagrehistro ng P38 bilyong shortfall, kumpiyansa naman si BIR Commissioner Kim S. Jacinto-Henares na kaya nilang makolekta ang P940 bilyong target goal ngayong taon. Erick Balane

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply