BIR official todas sa ambush

PINAGBABARIL hanggang mapatay ng isang di-nakilalang salarin ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenues (BIR) sa Antipolo City, Huwebes ng umaga, Pebero 17.

Kinilala ni Rizal police director Senior Supt. Manuel Prieto ang biktima na si Marcelino Yap, 46, revenue district officer ng District 45,  Marikina City, na may tanggapan sa S and C. Bldg., Marcos Highway, Barangay Mayamot, nasabing lungsod.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang salarin sakay ng motorsiklong walang plaka.

Sa ulat, naganap ang pananambang dakong ika-8:45 ng umaga sa tapat ng L and M Grill sa kahabaan ng Marcos Highway sa Barangay Mayamot.

Nabatid na naglalakad ang biktima patungo sa kanyang tanggapan nang lapitan ng suspek saka binaril nang malapitan gamit ang kalibre .45.   Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply