Bisikleta solusyon sa polusyon, oil price hike

SA HARAP ng pagtaas ng halaga ng krudo at dumadaming insidente ng krimen gamit ang bisikleta, nais ng isang senador na palaganapin ang paggamit ng bisikleta upang makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran.

Sa kanyang Senate Bill No. 2688 o Bicycle Act of 2011, sinabi ni Sen. Manny Villar na layunin ng panukala na palaganapin ang paggamit ng bisikleta bilang alternatibong pamamaraan ng pagbibiyahe sa harap ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at pasahe.

Layunin din ng panukala na maiparehistro ang lahat ng bisekleta sa bansa upang matuntun ng kinauukulan ang pagmamay-ari ng sasakyan sakaling gamitin sa krimen.

“Bukod sa maganda sa kalusugan at pangangatawan ang pagbibisikleta, ito din ay alternatibong solusyon sa pagtaas ng presyo ng gasolina, polusyon at nagmamahalang mga sasakyan. Bukod pa dito ang maintenance sa mga sasakyan at mahal na bayad sa mga parking areas,” ani Villar.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2688 o Bicycle Act of 2011 na inakda ni Villar, lahat ng mga pangunahing kalsada ay magkakaroon ng bicycle lanes na itatakda ng  Local Bikeways Office (LBO). Ang LBO na isasailalim sa city o municipal engineering office ang siyang mangangasiwa sa lahat ng mga patakaran ukol sa Bicycle Act, kasama ang pagpaparehistro ng sasakyan sa gagamit ng bike lanes.

Taong 1996 nang  aprubahan ng konseho ng lungsod ng Marikina ang pagkakaaroon ng bike lanes sa lungsod. Kamakailan, inaprubahan na rin ng Davao City Council sa ikalawang pagbasa ang sariling bersyon ng bicyle ordinance.

Tinukoy din ni Villar ang bike lane sa paligid ng  CCP complex sa lungsod ng Pasay.   Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply