Bitay sa 3 Pinoy, di na mapipigilan – Chinese embassy

PINAHAYAG ng Chinese Embassy na hindi na mapipigilan ang pagbitay sa tatlong Filipino na nahulihan ng kilu-kilong ipinagbabawal na gamot sa China.

Ayon sa embahada, walang pinipiling batas sa China at dapat managot ang mga sangkot sa krimen maging Chinese man o dayuhan.

Nabatid na pinal na rin ang desisyon sa Supreme People’s Court kaya mahirap nang maisalba ang mga Pinoy.

Kabilang sa mga nahatulan ng kamatayan ang isang 42-anyos na lalaki na na-convict matapos magbitbit ng 4,113 grams ng heroin sa Xiamen; ang 32-anyos na babaeng na-convict matapos mahulihan ng 6,800 grams ng heroin sa Shenzen at isa pang OFW na pinaki-usapan lamang magbitbit ng mga bagahe na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot.

Matatandaang sumulat na si Pangulong Benigno Aquino III sa Pamahalaang Tsina noong Agosto upang mababaan ang sentensiya ng tatlo ngunit hindi ito napagbigyan dahil marami masyado ang dalang heroin ng mga ito kung kaya nahatulan ng death penalty.

“Medyo mahirap ipakiusap dahil drugs. Atsaka kilo kilo ang pinag-uusapan,” ayon pa kay P-Noy .

Samantala, inamin ni DFA Spokesman Ed Malaya na wala nang magagawa pang maisalba sa bitay ang tatlo ngunit ipinag-utos pa rin ni P-Noy na gawin ang lahat upang maligtas sa kamatayan ang tatlo. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply