Board of Trustees, chief regulator ng MWSS pinagbibitiw ng NGOs

MAGLULUNSAD bukas, Biyernes, Pebrero 11 ng kilos protesta ang iba’t ibang non-government organizations sa tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para ipahayag ang kanilang pagtutol sa pagtaas ng singil sa tubig.

Inaasahang 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali bukas ay dadagsa sa MWSS Complex  sa 489 Katipunan Road, Balara, Quezon City ang mga grupong People’s Advocacy for Social Change (PASoC), Socialista, Hukbong Patriotikong Pilipino (HPP) at Unity for the Protection of Informal Labor through Community Action (UPCA).

Kasabay ng kanilang panawagan na itigil ang pagtaas ng singil sa tubig, ang paghiling sa agarang magbitiw sa tungkulin ang Board of Trustees (BOT) ng MWSS at ang Chief Regulator na si Manuel Quizon.

Nakatakda ring iprisinta ang libo-libong lagda na nakalap ng mga grupo na nagpapakita lamang ng pagsuporta ng mamamayan sa kanilang kampanya kontra sa pagtigil ng pagtaas ng singil sa tubig.

Kokontrahin ng nabanggit na NGOs ang pagtaas ng singil sa tubig sapagkat hindi naman umano sapat ang ibinibigay na serbisyo ng water concessionaires at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para mabigyang katwiran ang dagdag singil sa tubig. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply