BoC commissioner ipapa-subpoena sa Kamara

HINDI man lang umano nakikita kahit anino ni Bureau of Customs (BoC) commissioner  Angelito  Alvarez sa lahat ng isinasagawang pagdinig ng Kamara partikular na ang House  Committee on Ways and Means na siyang nangangailangan ng  konsultasyon para mapabuti at  malaman ang mga dapat na amyendahang batas hinggil sa pangongolekta ng tax and duties.

Ito ang ibinunyag Sabado, Pebrero 12, ni Rep. Maria  Milagros “Mitos” Magsaysay ng unang distrito ng Zambales sa panayam ng  Remate .

Ayon kay Magsaysay, hindi sumisipot si Alvarez sa lahat ng mga komite na humihiling sa kanyang presensya.

“Alam ko iyan dahil sa sandaling nais malaman ang parte ng BoC ay wala man lamang  maging  resource person  mula rito,” ayon kay Magsaysay.

Dahil dito, nagbanta si Magsayay na ipupursige niya ang pagsulong ng mosyon para i-subpoena  si Alvarez  sa paulit-ulit na nitong hindi  pagsipot  sa mga imbitasyon  ng  mga komite sa  Kamara.

“Paano naman  kami  makakakuha ng ideya kung ano ang dapat na amyendahang batas kung  hindi man lamang magbigay ng inputs sa amin ang BoC commissioner o kaya sinumang   maging representante  nito”,  ang naiiritang pahayag  ni  Magsaysay.

Si  Magsaysay ay siyang may-akda ng  House Bill 709 na naglalayong bigyang-linaw ang  mababang tax and duties ng mga imported na sasakyan na kinokolekta ng BoC. Beth Aragon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply