Bongbong: Paghihimlay kay Marcos sa ‘Libingan’ kailangan

NANINIWALA si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na karapatan ng kanyang ama na si dating Ferdinand E.Marcos Sr.  na maihimlay sa Libingan ng mga Bayani dahil isa siyang tunay na bayani sa digmaan at pinakamatagal na nagsilbing Pangulo ng bansa.

Sinabi ng senador na ang pagpapahintulot na mailibing ang kanyang ama sa nasabing libingan ay magtatapos sa isang yugto ng kasaysayan at magiging simbolo ng pagkakaisa sa ating bansa.

Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na bumuo siya ng isang komite na magsusuri at mag-aaral sa naturang mungkahi na mailibing na nang maayos ang dating pangulo.

Una nang sinabi ni G. Aquino na ang anumang pahayag na magmumula sa kanya ay maaaring sabihin na hindi siya naging parehas kung kaya’t mas makabubuti na “hands off” siya sa naturang usapin.

“Whatever I say will be biased. So, I am thinking of inhibiting myself from deciding on the matter,” ayon sa Pangulo.

Yumao si dating Pangulong Marcos noong 1989 sa Hawaii at naibalik sa bansa ang kanyang labi noong 1993 sa Batac, Ilocos Norte kung saan nakalagak ang kanyang labi sa isang glass coffin.

Samantala, makalipas ang 25 taon, pormal na nagkaharap kamakailan sa Malakanyang at nagkaroon ng pagkakataon sa photo opportunity si Pangulong Aquino at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, na dumalo kasama ang local government executives sa paglulunsad ng isang pro-poor program ng pamahalaan.   Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply