Bosbarawana inangkin ang Amethyst III

KINORONAHAN si Bosbarawa matapos magkampeon sa naganap na 2011 Philracom Amethyst III noong Linggo ng hapon, Pebrero 20 sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa kabilang pista nakopo ni Yes Pogi ang Amethyst I habang si Cheese Mosa ang hinirang na hari sa Amethyst II na ginanap sa pista ng Sta. Ana.

Nasungkit ni Bosbarawana, nirendahan ni class A rider Val Dilema ang halagang P300,000 habang naiuwi ni Lexibonn ang P112,500 na pangalawang tumawid ng meta.

“Magaling,” humihingal sa sambit ni Dilema. “Gustong-gusto pa niyang tumakbo kaya sa tingin ko mas magaling pa siya sa mas mahabang distansya.”

Samantala, sinilat ng dehadong si Mine That Wind ang top favorite na si Brother Barack sa naganap na Class Divisions 10-9 sa nasabing pista.

Nilundag ni Brother Barack ang unahan sa largahan subalit agad kumapit ang winning horse na ginabayan ni star jockey Jonathan “Unoh” Hernandez.

Papasok ng huling kurba ay kinukuha ni Mine That Wind ang bandera sa hinihingal na si Brother Barack.

“Malakas umere si Brother Barack kaya kinapitan ko na siya tutal mahaba naman ang hininga ni Mine That Wind.” saad ni Hernandez.

Nakapagtala ng tiyempong 1:00.8 sa 1,000 meter race si Mine That Wind. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply