Boss Gee bumida sa 3YO race

BUMANDERANG tapos ang kabayong si Boss Gee sa Three-year-old Condition A-1 na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Paglabas ng aparato ay pinaigtad sa unahan ni star jockey Jonathan “Unoh” Hernandez ang liyamadong si Boss Gee habang pilit siyang kinakapitan ni Flawless sakay si class A rider Mark Angelo Alvarez.

Nagkapanabayan sa huling kurba sina Boss Gee at Kick The Can subalit pagpitik ng latigo ni Hernandez sa una ay bigla itong umalagwa at tinawid ang meta ng may anim na kabayo ang agwat sa huli.

Naorasan si Boss Gee ng 1:23.6 sa distansyang 1,300 meter race sapat upang ibulsa ang premyo na P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Tumersero sa laban si Flawless habang pumang-apat si Lifetime na ginabayan ni class C jockey Randy L. Lagrata.

Samantala sinilat nina Invincible at Ingay Ingay sa magkahiwalay na karera ang outstanding favorites na sina Creation at Strong Boy ayon sa pagkakasunod.

Banderang tapos din ang ipinanalo ni Invincible na sinakyan ni many-time Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year award winner na si Patty Ramos Dilema.

Tumutok naman sa mga nasa unahan si Ingay Ingay upang sa pagsapit ng far turn ay agawin ang bandera. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply