Brgy officials na ‘di tatalima sa kampanya vs droga sisibakin

BINALAAN ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na kanyang kakasuhan ang sinumang opisyal ng barangay na tatangging tumestigo sa kampanya ng gobyerno kontra droga lalo na sa mga inihahaing search o arrest warrants laban sa kilalang drug pushers at drug dens sa kanilang nasasakupan.

Nag-ugat ang nasabing hakbang sa natanggap na ulat ng kalihim mula sa Philippine Drug Enforcement Agency na ilang opisyal ng barangay sa Metro Manila ang tumatangging humarap bilang testigo sa kanilang kampanya
kontra droga.

Ani Robredo, nakasaad sa Section 60 ng Local Government Code of 1991 na may kapangyarihan ang kalihim ng DILG na disiplinahin, suspendihin o alisin sa puwesto ang sinumang lokal na opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga opisyal ng barangay na ‘di ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Sa idinaos na consultative meeting sa pagitan ng mga lokal na opisyal at konseho ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, ito ang naging pagbubunyag ni Director Wilkins Villanueva kaugnay sa hindi pakikiisa ng ilang barangay captain sa kanilang anti-drug campaign.

Ayon kay Robredo, tungkulin ng bawat barangay official na humarap bilang testigo sa panahon ng pagsisilbi ng search warrants ng law enforcers lalo na sa mga kilalang drug den at tianggehan ng iligal na droga sa  kanilang nasasakupan. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply