Brgy. tanod ni tserman adik na tulak pa ng tobats

BUKOD sa adik ay tulak pa raw ng ipinagbabawal na droga ang isang barangay shabu, este, tanod na pinagkakatiwalaan ni Barangay Kapitan Ernesto Domingo ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ibang klaseng punong barangay itong si Kap. Domingo, kahit alam na niyang adik at tulak ng “tobats” (bato/shabu) si alyas Joey ay kinuha pa rin niyang tanod.

Imposible namang nag-a-adik din si kapitan kaya kahit alam na niyang adik at tulak ng tobats ang tanod niyang si Joey ay kinuha pa rin niya.

Hindi ko sinasabing “tongpats” si kapitan sa pagtutulak ng droga ng tanod niya.

Basahin natin ang reklamo sa text message sa atin.

Dear Sir Johnny, dito sa Daan  Sarile, Cabanatuan City, Nueva  Ecija ay may isang ba-rangay tanod na adik at tulak pa ng ipinagbabawal na gamot. Kahit alam ng kapitan dito sa amin na tulak ito ay kinuha pa rin niya palibhasa ay bata niya ang barangay tanod.  Ang name ng tanod ay  Joey. Ang kapitan naman namin ay si Ernesto. Malakas kasi sa kapitan itong si Joey kaya kahit  alam na ni kapitan na tulak at adik ang tanod niya, eh, kinuha pa rin niyang  tanod. Marami nang kabataan ang nasira ang buhay dahil sa tanod na  si Joey.

Pader kay  ‘Papamayor’ kahit kailan

Wala talagang katinag-tinag sa pag-ooperate ng mga kalaswaan ang Queen Castle Disco at ang Imperial Sauna Bath na pag-aari ng isang Villanueva sa Quezon Ave., Quezon City.
Ang pinagtatakhan ko lamang ay kung bakit patuloy na binibigyan ng permit at lisensya ni QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista ang mga bahay-aliwan na ito.

Wag naman niyang sabihin na si “Papa Mayor” na naman ang nakalutang sa mga bahay-aliwan na ‘yan bukod kay Col. Yara.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com
.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply