British consultant inupahan ng MMDA

KUMUHA ng British traffic expert ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang consultant na tutulong sa pagpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni Francis Tolentino chairman ng MMDA na maglalagi sa Pilipinas ng tatlong buwan si Stefan Trinder, isang traffic management expert buhat sa Transport for London (TFL), isang ahensya na responsable sa transportasyon sa kapital ng United Kingdom kabilang ang pamosong London Underground rail system at pagpapatakbo ng “public utility buses”.

Pangunahing partisipasyon ni Trinder ang pagtulong sa pagbuo ng mga plano, programa at polisiya sa trapiko upang mapaluwag ang daloy nito sa bansa.

Ilan sa nakikitang problema ni Trinder ang maling pagpaplano ng mga kalsada sa Metro Manila na masyadong makikitid, hindi standard ang lapad at maraming lugar na “bottlenecks” ng trapiko.

Ilan sa ipinatupad na programa ng MMDA sa ilalim ni Tolentino ang pagsakop sa pampasaherong bus sa “number coding”, 60kph limit sa Commonwealth Avenue, operasyon kontra kolorum na mga PUVs, at pagtatayo ng mga rotunda upang mapaluwag ang trapiko at mapabilis ang biyahe sa Metro Manila.

Sinusugan din ni MMDA ang pag-uumpisa nang maitayo ang MRT 7 mula North Luzon Expressway hanggang Tala, San Jose del Monte, Bulacan.

Ito’y upang makatulong ang train system na mapaluwag ang trapiko sa bandang norte ng Metro Manila. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply