Bulkang Bulusan kumalma

KUMALMA na ang bulkang Bulusan matapos walang maitalang volcanic earthquake sa paligid nito sa nakalipas na magdamag ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs ang bunganga ng Bulkang Bulusan ay hindi ganap na maobserbahan dahil sa makapal na ulap na tumatakip sa bulkan.

Kaugnay nito patuloy pa ring nakataas ang alert level 1 sa paligid ng bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng tao sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ).

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang mga residenteng naninirahan malapit sa hilagang-kanluran at timog-kanlurang bahagi ng Bulusan na mag-ingat sa ashfalls.

Samantala, nakapagtala naman ng 1 volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Nananatiling nakataas sa alert level 1 ang paligid ng Bulkang Taal at mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit dito. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply