Bulkang Bulusan nag-alburutong muli

NAG-ALBURUTO muli ang Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon matapos makapagtala ng labing tatlong (13) pagyanig sa paligid nito Lunes ng umaga, Pebrero 28,  ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs,  bukod sa pagyanig ay nagkaroon na rin ng pag-agos ng lahar sa paligid ng bulkan patungo sa mga kalapit na ilog dahil sa pagbuhos ng ulan sa naturang lugar.

Sinabi rin ng Phivolcs na patuloy na nakataas ang alert level 1 sa paligid ng Bulusan at mahigpit na ipinagbabawal ang mga tao na pumasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga residenteng naninirahan sa hilagakanluran at timogkanluran bahagi ng bulkan na mag-iingat laban sa pagbagsak ng abo mula sa bunganga ng bulkan.

Itinuturing na active volcano ang Bulusan bunsod na rin ng pag-aalburuto ng bulkan nitong nakalipas na taon. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply