Bulkang Taal muling nag-alburuto

MULING nag-alburuto ang bulkang Taal makaraang makapagtala ng pitong pagyanig sa paligid sa nakalipas na 24 oras  kanina, Biyernes, Pebrero 25 iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid pa ng Phivolcs na ang crater lake level ng tubig ng bulkang Taal ay bumaba mula sa 0.68 meter hanggang 0.60 meter.

Ang lake water temperature ay pansamantalang bumaba mula sa 30.7*C  to 30.5 *C .

Nananatiling nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa steam explosions.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit sa bulkan Taal. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply