Bulkang Taal nag-alburoto na naman

NAG-ALBUROTO muli ang Bulkang Taal makaraang makapagtala ng tatlong pagyanig sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), Huwebes, Pebrero 3.

Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagyanig ay nakapagtala rin ng pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan.

Nakataas pa rin sa alert level 1 ang paligid ng Bulkang Taal dahil sa banta ng pagsabog nito at mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit ng sino man malapit sa bulkan.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na ang Bulkang Taal ay nananatiling mapanganib at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtayo ng bahay o pagtira malapit sa bulkan.

Samantala, kaugnay nito dalawang volcanic earthquake ang naitala sa paligid ng Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras,iniulat ng Phivolcs.

Nakataas din sa alert level 1 ang paligid ng Bulkang Bulusan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger zone (PDZ). Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply