Bulkang Taal nag-alburoto

MULING nag-alburoto ang Bulkang Taal at nagtala ng apat na pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na magdamag ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig may bahagya ding pagbuga ng konting usok sa bunganga ng bulkan subalit wala namang iniulat na pagdagundong sa paligid ng nito.

Sinabi pa sa ulat na nakataas pa rin ang alert level 1 ang paligid ng Bulkang Taal at mahigpit na ipinagbabawal sa publiko ang paglapit sa bunganga nito dahil sa banta ng pagsabog.

Mahigpit din pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na ang bulkan ay nananatiling Permanent Danger Zone (PDZ) at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit dito.

Itinuturing na ang Bulkang Taal ay isang active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply