Bulkang Taal yumanig na naman

MULING yumanig ang bulkang Taal matapos makapagtala ng 1 volcanic earthquake sa paligid ng bulkan ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig, nakapagtala rin ng konting usok sa bunganga ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na patuloy pa ring nakataas ang alert level 1 sa paligid ng bulkan dahil  na rin sa banta ng pagputok nito.

Pinaalalahanan din ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit ng publiko malapit sa bunganga ng bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs ang bulkang Taal ay isang permanent danger zone at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit sa bulkan. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply