Bumbero nakuryente sa QC fire

SUGATAN ang isang bumbero makaraang makuryente habang rumuresponde sa sunog sa Barangay Pagasa, Quezon City iniulat ng Department of the Interior and Local Government -Bureau of Fire Protection, Linggo, Pebrero 20.

Kinilala ang nasugatan na si Senior Fire Officer 1 Rene dela Cruz, miyembro ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City na nakuryente at agad isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Quezon City, 3:27 ng hapon  nang magsimula ang sunog sa tatlong unit ng apartment sa Road 2 corner Road 11, Bgy. Pag-asa, QC.

Sinabi ni Fire Officer 2 Wilson Bautista, duty radio operator ng BFP na nakontrol ang sunog dakong 4:05 na ng hapon na umabot sa  3rd alarm. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply