Bungangero pinagtataga ng naingayang salarin

“MASYADO kang bungangero!”

Ito umano ang isinigaw ng di pa nakikilalang salarin bago tinaga sa ulo at katawan ang isang binata sa Caloocan City Huwebes ng gabi.

Nasa malubhang kalagayan sa Jose Rodriquez Memorial Medical Center (JRMMC) si July Asaña, 24, ng BMBA Compound, 2nd Ave. ng nasabing lungsod.

Agad namang tumakas ang suspek.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ni P02 Edgar Manapat, alas-onse ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng 3rd Ave.

Naglalakad umano ang biktima habang maingay na nakikipagtalo sa isang kapitbahay na babae.

Nairita dahil sa ingay umano ang salarin kaya’t kumuha ito ng itak, nilapitan ang biktima at pinagtataga ito sa ulo at katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply