Burnham Park hiniling na ideklarang national park

ISINULONG sa Kamara ni Baguio City Rep. Bernardo M. Vergara na maideklara bilang isang national park ang pamosong Burnham Park na matatagpuan sa tinaguriang summer capital ng bansa dahil sa katangian nito bilang isang makasaysayang lugar at sa kahalagahan nito bilang dinadayong lugar ng mga turista, lokal man o dayuhan.

Ayon kay Vergara, nagsisilbing ecological sanctuary at nagbibigay ginhawa rin sa Baguio ang Burnham Park dahil na rin sa dami ng halaman at puno na matatagpuan dito, maliban pa sa artipisyal na lagoon na matatagpuan din dito.

Matatagpuan din dito ang soccer field, malawak na parade grounds, palaruan ng mga bata, lugar na maaaring pagbisikletahan at malawak na picnic ground kung saan maging ang mga residente ng Baguio ay pinipiling manahan dito at pagpahingahan.-Beth Aragon

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply