Bus passengers nasindak sa bomba

LUMIKHA ng matinding takot sa mga pasahero ng bus ang naiwan na malaking bag na inakalang naglalaman ng bomba, Huwebes, Pebrero 17 sa Pasay City.

Batay sa ulat ni Pasay City Police Chef Napoleon Cuaton, ang insidente ay naganap 11:30 ng umaga sa Sen. Gil Puyat ave., nabanggit na lungsod, nang nagmamadaling bumaba ang isang lalaking pasahero ng Mersan Bus (PWX 499) at iniwanan ang isang malaking bag na kulay itim.

Agad namang napuna iyon ng isang pasahero na tarantang ipinagbigay-alam ang nangyari sa konduktor, na tumawag naman ng pulis na nakadestino sa lugar.

Sa pagresponde ng awtoridad, natuklasang mga lumang damit ang laman ng bag.  Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply