Bus vs van: 2 patay, 7 sugatan sa QC

DALAWA katao ang patay habang pito ang sugtan makaraang mabangga ng isang bus ang van sa Quezon City, madaling-araw ng Pebrero 16.

Ayon sa report ng dzBB, naganap ang insidente bandang 12:30 a.m. sa Regalado Avenue, North Fairview.

Batay sa inisyal na report ng Quezon City Police District traffic sector sa DzBB, nakilala ang namatay na driver ng van na si Edgar Coloma, 39 habang di pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng isa pang babaing nasawi.

Agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center ang mga sugatan upang malapatan ng lunas.

Lumabas pa sa inisyal na report na bumangga ang “J-Ross Lucky Seven” tour bus makaraang mag-overtake sa Nissan Urvan.

Pinaghahanap naman ngayon ang driver ng naturang bus na nakilala lamang sa pangalan Nagnayon na tumakas makaraang ang insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply