Businessman nilikida sa Mindanao

UTAS ang isang mayamang negosyante nang likidahin ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Central Mindanao, iniulat ngayon (Sabado, Pebrero 5).

Ayon kay Col. Prudencio Asto, 6th ID spokesman, kinilala ang biktima na si Oliver Guiamban, 33, buy-and-sell businessman sa Barangay Basak, Lebak, Sultan Kudarat.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing ng Cotabato City ang biktima at pauwi sa kanyang tahanan nang harangin ng mga armado at niratrat.

Agad namang rumesponde ang tropa ng 6th IB sa lugar, ngunit hindi na naabutan ng mga ito ang mga salarin.

Narekober sa lugar ng insidente ang itim na Toyota Corolla na may plakang GCD 225.

Inaalam pa ng lokal na kapulisan ang pagkakilanlan ng mga salarin at kung ano ang motibo nila sa pamamaslang sa biktima. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply