Businessman todas sa bar sa GenSan

PATAY ang isang negosyante nang barilin habang umiinom ng alak sa isang bar General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Dario Qiamco, 49, ng Purok Bagong Silang, Labangal, GenSan.

Nabatid na niyaya si Qiamco ng kasamang si Ronald Rigonda na magsayaw subalit hindi sumama ang biktima at nagpaiwan sa mesa at nagpatuloy sa kanyang pag-inom.

Sa gitna ng masayang sayawan, isang putok ng baril ang gumulat sa mga kustomer at nakita na lang ang biktima na nakabulagta.

Tama ng baril sa ulo ang umutas sa biktima.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply