Busog-lusog sa yogurt

Eeww! Ito ang madalas na reaksyon ng mga taong hindi mahilig kumain yogurt especially sa girls dahil hindi daw nila mawari ang lasa na may pagka-maasim, mapakla… ah basta hindi daw masarap ang lasa.

Marami nang mga pag-aaral ang nagpatunay na ng yogurt ay may malusog na maidudulot sa katawan.

Sagana ang yogurt sa protein, (ginagamit ang mga ito sa paglago at pagkumpuni, gayon din sa pagpapatibay ng mga buto at tumutulong ito na gumawa ng mga tisyu at mga sihay, calcium (pampatibay ng buto at mga ngipin), riboflavin (micronutrient na medaling maabsorb nd katawan na mahalaga sa kalusugan), vitamin B6 (isang water-soluble vitamin na mahalaga sa metabolism na protein at red blood cells) at vitamin B12 (na importante sa formation ng red blood cells na nagmimintina ng malusog na nervous system).

Ang yogurt ay isang dairy product na gawa mula sa bacterial fermentatiom ng gatas. Ito ay bumubuo o gawa sa iba’t ibang bacteria na pinaniniwalaang makatutulong sa ating kalusugan.

May tinatawag din na  probiotic yogurt.  Ang pinagkaiba nito sa regular na yogurt ay may  dalawang bacteria lamang ang regular yogurt.  Ito ang Lactobacullus Bulgarious at Streptococcus Thermophilus samantalang may ikatlong bacteria ang probiotic yogurt,  ang L.acidophilus.

Sinasabi na may yogurt na 4,500 taon ng nakalilipas. Si Pliny Elder ay sinasabing unang nakapagsulat tungkol sa yogurt. Ayon sa kanya ay marunong magpalapot ng gatas ang mga Turks noon na may tamang acidity ng katulad sa yogurt. Noong 11th Century ay nasulat ang yogurt sa dalawang libro na Duwan Lughat al-Turk ni Mamhud kashgari at Katadgu Bilig ni Yusuf Has Hajib na nasulat noong panahong iyon. Sa kanilang mga akda ay bunanngit ang yogurt at nakasulat kung paano ito ginagawa at ginagamit ng mga nomadic Turk.

Proseso ng paggawa

Ito ay ginagawa gamit ang cultured ng Lactobacullus Bulgarius at Streptococcus Thermophilus bacteria.  Ang gatas ay pinapainitan sa temperatura na 80 degrees centigrade upang patayin ang di kanais-nais na bacteria at para buuin ang protina ng gatas  ng mabuo ito sa anyong curd. Sumunod ay palalamigin ito sa 45 degrees centigrade, papanatilihin ang temperaturang ito na tatagalo mula apat hanggang pitong oras para sa fermentation.

Mabuting dulot sa kalusugan

Bukod sa mayaman ang yogurt sa protein, calcium, vitamins B6 at B12 at riboflavin, mahalaga ang yogurt sa digestion o panunaw ng ating katawan. Mina-maximize nito ang pagtunaw ng ilang mahalagang nutrients. Kapag maayos ang digestion,  nasa normal at maayos na bilis, ibig sahibin ay  okey ang tiyan. Dahil ditto, maayos ang mood natin at  naiiwasan din ang stress.

Kung noon ay di kanais-nais ang lasa ng yogurt,  ngayon tiyak na mae–enjoy na ang pagkain ng nito.  Nilagyan na ito ng mga flavors na talagang malinamnam at kaaya-aya sa panlasa. Mas masustansiya na rin ito dahil hinahaluan ng mga sariwang prutas. May ice cream na rin na gawa sa yogurt na nilalagyan din ng sariwang prutas at iba pang toppings gaya ng chocolate sprinkles at iba’t- ibang syrup.  Subukan mo na girl at tiyak mapapa-wow ka sa sarap, masustansiya pa. Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply